Tama, may mga jejemon translator na nagkalat sa internet. Maituturing na sadyang idinisenyo ang jejemon translators para sa mga hindi bihasa o konti lang ang nalalaman sa pagsulat ng mga salita gamit ang jejemon translations. Hindi na nga maitatanggi ang impluwensiya ng "jejemon" sa internet dahil kahit sa Facebook ay nagsulputan ang mga groups na bumabatikos o kung hindi naman ay sumusuporta sa jejemons. Halos lahat yata na gumagamit ng Facebook ay alam kung paano hahanapin ang mga groups o pages kontra sa o para sa mga jejemon.
Ang wika ay makapangyarihan. Sa pagkakaroon ng online jejemon translators, mas lalo pang lalawak ang maaabot ng jejemon "culture" at mas lalo pang tatagal ang impluwensiya nito sa ating lipunan.
Friday, December 31, 2010
Tuesday, April 27, 2010
Bakit Ayaw ng Iba sa Jejemons?
Maraming tao ang ayaw sa mga Jejemons. Maaaring may kanya-kanya silang mga dahilan, o maaaring may iisa talagang dahilan kung bakit ayaw nila sa mga tinaguriang Jejemons. Sa aking pagsasaliksik ay nakita ko kung paano kasuklaman ng iba ang mga Jejemons. Meron din namang iba na kinatutuwaan ang mga Jejemons, at meron din namang kibit-balikat lang. May ilan naman na idinedepensa sila sa mga kritiko. Ang tanong: bakit nga ba ayaw ng iba sa mga Jejemons?
Labels:
Bakit Ayaw sa Jejemons
Monday, April 26, 2010
Pinagmulan ng Jejemon
Eto ang aking pananaw kung saan nagsimula at kung ano ba talaga ang pinagmulan ng salita o konseptong "jejemon". Sabi nga nila, feel free to disagree.
Labels:
Jejemon History
Subscribe to:
Posts (Atom)