Eto ang aking pananaw kung saan nagsimula at kung ano ba talaga ang pinagmulan ng salita o konseptong "jejemon". Sabi nga nila, feel free to disagree.
Ang cellphone ang ugat ng lahat. Siyempre may iba pang mga dumagdag [at posibleng dadagdag pa], pero sa aking pananaw ay ang cellphone talaga ang pinagmulan ng "jejemon". Sa pagsikat ng "mobile communication," naging kaakibat nito ang pag-usbong at tuluyang paglaganap ng "text messaging" o SMS. Sa simula, complete spelling pa ang gamit ng mga tao. Nang 'di kalaunan, kinailangan nang gumawa ng paraan para mas maraming mai-type na mga salita dahil na rin sa limitadong "space" ng "write/create message" box. Hindi pa kasi uso ang unlimited texts noon kaya bawat mensaheng ipinadadala ay may charge. Ang naging kasagutan sa limitadong "space" ay ang pagpapa-ikli ng mga salita. Halimbawa na lamang dito ang mga salitang "please" na naging "pls", o ang "dito" na naging "d2, o ang "ikaw" na naging "u". Isang classic example:
"Wer na u? D2 na me."
At hindi pa 'yon naging sapat. To drive home the point, ika nga, ay naglagay pa ang mga avid "texters" ng kung anu-anong emotion icons o "emoticons". Ang tawag na madalas dito ay "smiley" kahit minsan ay hindi naman talaga itsurang naka-smile ang emoticon. 'Pag may smiley daw kasi ay mas ramdam ng bumabasa ang mensahe. Halimbawa na lang ay ang walang kamatayang smiley na Ü o ü. Kung tutuusin, titik talaga ang Ü na may sariling paraan ng paggamit depende sa salita kung saan ito ginamit. Pero dahil mukhang nakangiti ang Ü ay ginawa na rin itong emoticon.
At dahil halos kasabayan ng pagsikat ng mobile phones ang internet ay hindi na nakakagulat kung ilan sa mga chatroom "lingo" ay ginamit na rin sa pag-text. Isa na rito ang katagang "lol" na ang ibig sabihin ay "laughing out loud". Idagdag na rin natin ang katagang "roflmao" o "rolling on the floor laughing my ass off." Marami pang halimbawa.
Hindi pa nakuntento ay iniba pa ng mga tao ang kanilang pag-type ng mga salita sa kanilang SMS. Para mas maging kaaya-aya 'di umano sa paningin ng babasa ay kung anu-ano pa ang idinagdag sa bawat salita. Sabi ng iba ay mahirap basahin. Sabi naman ng iba ay "cute". Halimbawa:
mz u/haimishu [i miss you]
d2 na poh m3 [dito na po ako]
lolz [loughing out loud]
Isang paliwanag kung bakit naging ganito ang pag-"text" ng iba sa atin ay dahil sa gusto ng iba na maging "cute" o "artsy" ang kanilang text, lalo na kung may nililigawan. Uso kasi noon [at sabi ng iba ay kahit ngayon] ang "text mates". Minsan ay nauuwi sa ligawan ang pagiging text mates. Minsan naman ay pakay na talaga ng isa na manligaw kaya nakipag-text mates. Kung ano man ang saktong dahilan, ang dulo pa rin ay gusto ng tao na magpa-impress sa kanyang ka-text.
Hindi nga nagtagal ay naging "lolz" ay naging "l0whlzzz", ang "hehehe" ay naging "aj3j3j3", at kung anu-ano pa. Hanggang sa isang araw ay dumami na ng tuluyang ang mga gumamit ng mga katagang ito at binansagan na silang mga "jejemon", o pinaghalong "jeje" at "pokemon". Bakit pokemon? Kasi gusto ng iba na tigilan na ng mga tao ang pag"jeje", at isa sa mga paraan para maabot ang adhikaing ito ay:
gotta catch 'em all.
Monday, April 26, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Hey. Sino ba gumawa sa page na to? And what's your family name? Thanks.
ReplyDeleteAko po sir/ma'am. Why? You can send me an email at brainsaladisgood@gmail.com
ReplyDeletehi, can i know your name po? for the acknowledgement or courtesy kasi po gagamitin ko for my project. thank you <3
DeleteKuya ano po name nyo? Para po sa thesis ko
DeleteAno po ang inyong tunay na pangalan? Isasama ko po ito sa aking ginawang pananaliksik at kailangan ko po ng pangalan ninyoo para sa citation. Salamat
DeleteTHX NAKATULONG TALAGA TO... THX TALGA..
ReplyDeletetama :) .. tnx din dito, nakatulong sa thesis defense namin haha ,,
ReplyDeletekuya. pahiram ha .. isasama ko lang sa project ko . don`t worry, sasabihin ko naman na ikaw gumawa eh . SALAMAT !!!
ReplyDeleteThanks po sa ideas! super helpful!
ReplyDeleteWow. Thank you. Ang laking tulong nito sa report ko. ^__^
ReplyDeleteTHANKYOU KUYA :)
ReplyDeleteThanks sa idea. God bless you
ReplyDeletekuya ano name mu
ReplyDeletePwede po mahingi name niyo para sa reference po thank you..
ReplyDeletePwede po mahingi name niyo para sa reference po thank you..
ReplyDelete