Tama, may mga jejemon translator na nagkalat sa internet. Maituturing na sadyang idinisenyo ang jejemon translators para sa mga hindi bihasa o konti lang ang nalalaman sa pagsulat ng mga salita gamit ang jejemon translations. Hindi na nga maitatanggi ang impluwensiya ng "jejemon" sa internet dahil kahit sa Facebook ay nagsulputan ang mga groups na bumabatikos o kung hindi naman ay sumusuporta sa jejemons. Halos lahat yata na gumagamit ng Facebook ay alam kung paano hahanapin ang mga groups o pages kontra sa o para sa mga jejemon.
Ang wika ay makapangyarihan. Sa pagkakaroon ng online jejemon translators, mas lalo pang lalawak ang maaabot ng jejemon "culture" at mas lalo pang tatagal ang impluwensiya nito sa ating lipunan.
Friday, December 31, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Buksan ang isipan.